St. Scholastica's Academy

                          Marikina, Philippines

        Home Calendar I Directory I Map Contact Us  I Webmail
 

 

Ang Pagdiriwang  ng Buwan ng Wika Sa

Santa Eskolastika Lungsod ng Marikina

 

        Maraming mga wika ang ginagamit  ng mga Pilipino sa iba’t ibang  bahagi  ng ating  bansa.Ang mga halimbawa nito ay Ilokano, Kapampangan, Bikolano , Waray at marami pang  iba.Pero may isang wikang dapat alam, ginagamit at ipinagmamalaki ng lahat ng mamamayan sa Pilipinas.Ito ay ang Wikang Filipino.Dapat nating pahalagahan ang lahat ng mga wika  lalo na ang Filipino, ang ating Pambansang Wika.

 Sa taong ito ang tema ay Wika Mo,Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga! Bilang mga mamamayang Pilipino, gamitin natin at ating ipagmalaki ang pambansang wika, dahil ito ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng bansa.Lalong magkakaintindihan tayong lahat kung ating pagbubutihin ang ating pagsasalita ng Wikang Filipino.

         Tuwing Buwan ng Wika, maraming inihahandang gawain ang erya ng Filipino upang makiisa sa pagdiriwang na ito:

1. Ang mga bata ay gumawa ng banderitas bilang proyekto nila at isinabit sa tapat ng kanilang klasrum.Ang bawat antas ay may nakatalagang pambansang sagisag.

               Preperatorya  - - - - - - - - - - - - Bangus

               Unang Baitang - - - - - - - - - - - Mangga

               Ikalawang Baitang  - - - - - - - - Anahaw

               Ikatlong  Baitang  - - - - - - - - - Narra

               Ikaapat na Baitang  - - - -- -- - - Bandila ng Pilipinas

               Ikalimang Baitang  - - - - - - - -  Litson

               Ikaanim na Baitang - - - - - - - - Bahay-kubo

2. Nakarinig ng awiting Pilipino tuwing umaga bago magsimula ng klase sa buong buwan  ng Agosto.

3.Ang pang-umagang panalangin, rosaryo, orasyon at panalangin tuwing ikatlo ng hapon ay dinasal sa wikang Filipino.

4.Ang bawat baitang ay may natutunang katutubong awiting Filipino.  

          Noong huling araw ng Biyernes Agosto 29,2008 ay nagkaroon ng pagtatapos na gawain sa pamamagitan ng pista sa bawat pangkat.Sa araw na ito nagsuot ang bawat isa, ng kasuotang Pilipino.Dito pumili ng guro at mag-aaral na may pinakaangkop na kasuotang Pilipino.Binigyang  pansin din ang mga paskilan sa bawat pangkat.Nagkaroon ng maikling palatuntunan na ipinakita ng mga mag-aaral  ang kanilang talento sa pagtula, pag-awit , pagsayaw, pagkwento. Ipinakilala rin ang iba’t ibang  larong Pilipino tulad ng piko,tumbang preso, hulugang panyo,patentero at iba pa. Higit sa lahat nagkaroon ng piknik, na ang dinala  ng mga mag-aaral ay mga pagkaing Pilipino.

       Tunay na naging masaya at matagumpay na naisagawa  ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika dito sa Santa Eskolastika.

1.Ang mga sumusunod na mag-aaral na nanalo sa Pinakaangkop na Kasuotang Pilipino 

2.Ang nga sumusunod na guro na nanalo sa Pinakaangkop na Kasuotang Pilipino 

3.Ang Pangkat na may Pinakaangkop na tema  sa Paskilan.

 

MGA NAGWAGI

 

 

Photo Gallery


 

Number of Pictures:  of 

Resources for:

SSAM @ a Glance

 

 

Academics

           Grade School

           High School

 

    

Admissions

          Grade School

          High School

          Admission Inquiry

          Scholarships and Grants

About SSAM

   Administration

   Faculty and Staff

   Services and Facilities

   Map and Direction

  Webmail

  Calendar

  News and Notices

 

  Other Links

  Tuason

2006 St. Scholastica's Academy. Marikina City, Philippines