Buwan ng Wika at Kasaysayan 2017



Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player


Setyembre 5, 2017, naganap ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan.  Nagkaroon ng patimpalak sa bawat baitang:

          Ikapitong Baitang - Pagpapakahulugan ng Isang Awitin
          Ikawalong Baitang - Bagong Tugtog, Lumang Sayaw
          Ikatlong Baitang - Katutubong Sayaw
          Ikaapat na Baitang - Sabayang Pagbigkas

Nagtanghal din ang Sining at Tanghalang Pilipino Club ng dulang: “Unang Bumitiw, Talo” na tumalakay sa isyung panlipunan ukol sa gera sa Marawi at pagkamit ng kapayapaan.  Nagpaunlak din ng natatanging bilang ang ilang mga guro.

Tunay na kahanga-hanga ang pinakitang talento, pagkamalikhain at pagkakaisa ng mga mag-aaral. Tunay na napaigting ng pagdiriwang na ito ang diwang makabayan sa puso ng mga mag-aaral ng Sta. Eskolastika.