MALUNGGAY ANG AKING GULAY

By Nicanor Blancada
Earth Savers Club

 

Ano ang gulay?
Ang gulay ay masarap, masustansya at malinamnam
Nagbibigay sustansya sa ating katawan
Nakakain itong luto o ensalada man
At nakapagbigay trabaho sa kanayunan

Ang lahat ng mga GULAY ay masustansya
Mga gulay sa bahay kubo at iba pa
Narito ang numero uno na ating kilala
Gulay na MALUNGGAY
Sikat na MORINGA!

Ang mga dahon ng malunggay
masarap ilagay pang tinola
o ihalo sa munggo, mais at iba pa
Hindi lang dahil sa masarap kundi sa masustansya
ginagamit sa PANDESAL pang almusal sa umaga

Ang malunggay na gamot ay mabisa
Dahon, buto, ugat pati na rin ang bunga
Gamit ng katutubo sa liblib nakatira
Madali ang proseso at epektibo talaga

Maliban sa mga ito ay marami pang benepisyo
Ito’y powerhouse storage ng nutrisyon ng mga tao
Masustansyang malunggay sa bawat gramo
Pitong beses bitamina C ng dalandan juice mo

Dalawang beses protina ng isang basong gatas
Apat na beses bitamina A ng mga patatas
Dalawang beses potasyum kesa mga saging

Kung di mo pa nasubok itong malunggay
Itanim sa bakuran, buhay gawing makulay
Pagpayuhan natin yaring kabataan
Ang magandang dulot nitong berdeng gulay

Ang malunggay!