Buwan ng Kasaysayan



“Kasaysayan Saligan ng Diwang Makabayan”, ang tema ng pagdiriwang ng buwan ng kasaysayan ngayong taon 2016.

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang pang-umagang panalangin noong Lunes, ika-1 ng Agosto. Ang bawat baiting ay nagkaroon ng interdisciplinary activity sa Filipino sa silid-aralan na nagpapalalim ng kamulatan sa mga isyung kinakaharap ng bansa tulad ng balitaan, at documentary film viewing. Layunin nito na imulat ang mga mag-aaral sa diwang makabayan. Ang mga mag-aaral ay gumawa ng mga personal na panalangin bilang tugon sa panawagan ni Mother Adelaida Ygrubay, OSB na pahalagahan ang buhay at pagtutol sa dumaraming bilang ng extrajudicial killings at iba pang mga usaping kinakaharap ng bansa. Ito ay sabay saby na binasa at isinabit sa kanilang mga silid-aralan bilang prayer flags.

Ang pagdiriwang ay nagkaroon ng paglalagom sa isang simposyum na tumalakay sa isyu ng soberanya ng bansa at social responsibility. Ang mga panauhing pandangal ay kilalang political analyst na propesor ng De La Salle University na si Prof. Richard Heydarian at ANC Sports Anchor, Roxanne Monteallegre.